Thursday, May 6, 2010

Itim

One day, isang araw, I saw, nakakita Charot! Wala kasi akong naisip na introduction dito sa maikling sulat ko. Anyway, highway, the other day nasa isang mall ako sa may Ortigas Area. Hinihintay ang isang kaibigan. Dahil tinawag ng kalikasan ang aking baga, lumabas ako para mag-yoka (sa mga hindi nakakabatid ng yoka. Yoka is a gay term for yosi). So nag-lung cancer break nga ang lolo niyo. After kong mag-yoka, naisip kong bumili na ng yoka dahil huling stick na yung hinithit ko. So daan ako sa isang kilalang kapihan. Pagdaan ko sa kapihan, may nakita akong dalawang babae. Ang isa ay naka-shirt na hello kitty kahit mukha na siyang lagpas trenta anyos at ang isa naman ay naka-sleeveless na nakakasilaw na neon green ang color with matching pekpek shorts at neon green din na tsinelas.

 Pagkatapat ko sa mesa nila, biglang bumulong (bulong na narinig ko) ang naka-sleeveless sa katabi:

"Tingnan mo, ganyan ang sinasabi ko. Ang itim! Ayoko sa maitim talaga.. Eeeww. Hahaha" (sabay hawi sa buhok nito)

Dahil ako lang naman ang dumaan sa tapat nila nung time na yun, alam kong ako ang "topic" nila. Alam ko maitim ako pero makinis ang balat ko! (Walang kokontra!) Dahil sa init ng panahon, tanghaling tapat, at pinagpapawisan ako, umandar ang pagiging Agua Maldita ko. Tiningnan ko lang si ateng nakasleeveless sabay:

"Ate, bago ka manlait ng maiitim, siguraduhin mo munang hindi maitim yang kilikili mo! ang lakas ng loob mong mag-sleeveless at humawi ng buhok, kala mo kaputian ang kilikili!"


=)

====>>>
Till then... Angel will spread the pink wings and fly with poise...